Mukhang kagalang-galang na ako ngayon, mga tol. Sa galaw at salita. At pag sinumpong, pati sa suot. Pero di ako ganito mula pagkabata. Me panahong astang lumpen ako bok. Siga sa suot at salita. Pati sa gawa kung kelangan.
Tibak kasi ako nung kabataan ko, at marami akong barkada na ganundin. Kahit galing kami lahat sa uring petiburgis, talagang itinulak namin ang sarili na bumabad sa masa, at umastang masa. Maski minsan e O.A. na, at wala sa lugar.
Ganun kami nun ng mga barkada ko. Puro barumbadong maka-masang intelektwal-kulturati-kuno. Sipilyo, twalyang Good Morning, bolpen, at pang-Grade 6 na notbuk. Yun lang halos ang baon namin, pwede nang bumabad sa purok-iskwater. Continue reading “Basically naman pala e.”